PatrolPH

PANOORIN: Baterya ng e-bike sumabog sa isang hostel sa Australia

Reuters

Posted at Oct 05 2023 06:19 AM

Watch more on iWantTFC

Nakunan ng security cameras ang pagsabog nang isang lithium-ion na baterya sa loob ng isang hostel room sa Sydney nitong Miyerkules (Oktubre 4).

Sa video, kita na tumatakbo ang mga turista palabas ng silid bago nangyari ang pagsabog.

Ayon sa Fire and Rescue New South Wales, isang sira na baterya ng e-bike na naiwan na nakasaksak sa charger ang pinaghihinalaang sanhi ng insidente.

Nagkaroon ng minor burns ang isa sa mga turista habang 70 katao ang inilikas mula sa gusali, sinabi ng fire department sa isang pahayag.

Isinalin sa ulat ng Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.