Home > Overseas Bulkang Villarrica sa Chile nasa amber alert Reuters Posted at Sep 25 2023 08:18 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Itinaas ng National Geology and Mining Service ng Chile, Sernageomin, ngayong Linggo (Setyembre 24) ang antas ng alerto para sa Villarrica volcano mula dilaw patungong amber dahil sa unti-unting pagtaas ng aktibidad ng bulkan. Ang amber alert ay nangangahulugan na may mas malaking posibilidad na magkaroon ng pagsabog sa mga darating na araw o linggo. Isa sa mga pinaka-aktibong bulkan sa South America, ang Bulkang Villarrica ay may 200 metrong lapad na bukas na bunganga at huling pumutok noong 2015. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber amber alert, chile, volcano, tagalog news Read More: amber alert chile volcano tagalog news