Sentenaryo ng aparisyon ng Birheng Maria, dadaluhan ng Santo Papa

ABS-CBN News

Posted at May 13 2017 05:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nasa Fatima, Portugal ngayon ang ilan nating kababayan para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng aparisyon ng Birheng Maria sa tatlong batang sina Lucia, Francisco at Jacinta. 

Inaasahang aabot sa isang milyong pilgrims ang dadayo roon para sa centennial celebration na dadaluhan din ni Pope Francis. 

Dobleng selebrasyon ito dahil pangungunahan din ng Santo Papa ang canonization nina Blessed Francisco at Jacinta. 

Kaya tiniyak ng mga otoridad doon ang seguridad ng pilgrims. Mula Fatima, Portugal, i-Bandila mo, Rose Eclarinal. - Bandila, Biyernes, 12 Mayo, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.