9 patay sa operasyon ng pulisya vs NPA sa Iloilo, Capiz

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2020 08:28 AM

Watch more on iWantTFC

Siyam na umano'y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang 15 iba pa ang arestado sa Iloilo at Capiz, ayon sa pulisya.

Sinabi sa TeleRadyo ni Brig. Gen. Rolando Miranda, regional director ng Police Regional Office 6, isinagawa ang operasyon sa dalawang barangay sa Calinog, Iloilo at pitong barangay sa Tapaz, Capiz.

Magsisilbi aniya ng 28 search warrant na inisyu ng korte para sa kasong illegal possession of firearms and explosives ang mga pulis pero nauwi ito sa bakbakan.


- TeleRadyo 31 Disyembre 2020