SAPUL SA CCTV: Ginang, nagnakaw sa donation box ng simbahan

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2016 10:30 AM

Watch also in iWantTFC

Nahuli ng CCTV camera ang pagnanakaw ng isang ginang ng pera mula sa donation box ng isang simbahan sa Angeles, Pampanga. 

Sa video makikita ang babae na tila isa-isang sinisilip ang mga donation box sa loob ng Holy Rosary Parish Church.

Ayon sa pulisya, humingi na ng tulong sa kanila ang guwardiya sa simbahan dahil sinusungkit na ng babae ang pera mula sa mga kahon, gamit ang isang stick na may nakadikit na bubblegum. 

Agad namang nahuli ang babae na kinilalang si Theresa Tanglao. 
    
Inamin naman niyang nagawa niya ang krimen dahil nangailangan siya ng pera para sa CT scan ng asawa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.