PatrolPH

Lalaki patay matapos umanong pagsasaksakin ng pamangkin sa Caloocan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2021 06:13 AM

Watch more News on iWantTFC

Dead on the spot sa kalsada ang 1 lalaki matapos saksakin ng kaniyang pamangkin sa Barangay 28, Caloocan City.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Art John Miyares, 30, at nangangalakal ng basura para may maipakain sa 7 anak.

Ayon sa asawa ng biktimang si Roselle, alas-11:30 Lunes ng gabi nang mangyari ang krimen.

May pinapakisuyo umano ang suspek na si Jeff Amigan.

Hindi umano pumayag si Miyares sa pakisuyo ng suspek at doon na umano siya pinagsasaksak hanggang sa mamatay.

Labis ang paghihinapis ngayon ng mga kaanak ng biktima.

Nakatakas naman ang suspek at ngayon ay pinaghahahanap ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.