Perang walang 'mukha', magagamit pa rin pero...

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:20 PM

Watch also in iWantTFC

Hindi pa matukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung ilang piraso at magkano ang kabuuang halaga ng misprinted o maling imprenta ng perang papel ang nasa sirkulasyon ngayon. Nasa 33 ang naidokumento ng BSP mula sa Bank of the Philippine Islands pero hindi pa kasama rito ang bills na hawak ng isang netizen sa kaniyang nag-viral na post. Paliwanag din ng BSP, maaaring nagkaproblema lang sa bagong makina ng BSP kaya nagkaroon ng ganitong imprenta. magagamit pa rin bilang salapi ang misprinted bills pero babala ng BSP, kulang-kulang ang security features nito. Nagpa-Patrol, Mike Navallo. TV Patrol, Huwebes, 28 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.