SAPUL sa CCTV: Panghahablot ng bag ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 09:43 AM

Watch also in iWantTFC

Dumulog sa tanggapan ng Sampaloc Police ang isang babae matapos mabiktima ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila

Sa kuha ng CCTV, makikita na naglalakad ang babaeng biktima na kinilalang si alyas Annie, kasama ang isang lalaki sa kanto ng Padre Noval.

Bigla na lang silang sinundan ng riding-in-tandem na nakaabang na pala malapit sa Delos Reyes Street. 

Pagtapat ng mga suspek sa biktima ay bigla na lang hinablot ng angkas ang sling bag. Makikita rin na nagulat ang biktima at napunit pa ang kanyang damit.

Mabilis na tumakas ang mga suspek papuntang España Boulevard.

Laman ng bag ang P2,500 at bagong cellphone ng biktima.

Kahit nakunan ng CCTV ang insidente, hirap matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, maging ang plaka ng motorsiklo na kanilang ginamit.

Patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang mga suspek. Umagang kay Ganda, 27 December 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.