Pedicab driver, patay sa pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2018 03:39 AM | Updated as of Dec 14 2018 07:35 PM

Patay ang isang pedicab driver matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay 119, Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mateo Gravillo, 58-anyos, residente ng Capulong St., Barangay 120.

Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District Station 1, pinagbabaril ang biktima ng isang lalaki habang nakaupo sa kaniyang pedicab alas-11:30 ng gabi.

Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng bala ng baril.

Kuwento naman ng anak ng biktima, dating gumagamit ng droga ang kaniyang ama pero wala itong napabalitang kaaway. - ulat ni Jervis Manahan at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.