PatrolPH

PANOORIN: Limasawa Island sinalanta ni Odette

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2021 08:40 AM | Updated as of Dec 20 2021 12:17 PM

Watch more News on iWantTFC

Kabilang sa mga nasira ng Bagyong Odette ang maganda at makasaysayang Limasawa Island sa Southern Leyte.

Nubenta porsyento ng mga bahay doon ang totally damaged.

Apektado ng bagyo ang lahat ng 1,729 pamilya o 6,426 indibidwal.

Ayon sa Office of Civil Defense ng Eastern Visayas, ang Limasawa ang pinakaapektadong lugar ng bagyo sa buong rehiyon.

Dahil sa problema sa linya ng komunikasyon at kawalan ng kuryente, pahirapan pa rin ang pagpaparating ng tulong sa mga residente.

Nanawagan ng tulong para sa pagkain, maiinom na tubig, damit at materyales para sa pagpapakumpuni ng mga bahay ang mga taga-Limasawa.

-Ulat ni Sharon Evite

Video courtesy Jadway Cinco Go

ABS-CBN News, December 20, 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.