Pagkain, ipinamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa Biliran

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2017 11:40 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Makakapal na putik at mga sirang kalsada ang dinatnan ng Lingkod Kapamilya sa bayan ng Caibiran, Biliran na isa sa matinding sinalanta ng bagyong Urduja. Hirap ang mga residente roon na maitawid ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Bilang kagyat na ayuda, namahagi ang Lingkod Kapamilya ng food packs sa mahigit 1,000 pamilyang nasalanta sa nasabing bayan. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Martes, 19 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.