Calapan Port balik operasyon na matapos ang bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2021 07:05 PM

Watch more News on iWantTFC

Balik-operasyon na ang ilang mga pantalan na naapektuhan ng bagyong Odette, kabilang na ang Calapan City port sa Oriental Mindoro. Kinansela ang biyahe ng mga ro-ro vessel sa pantalan noong Huwebes dahil sa itinaas na gale wanring sa lalawigan dahil sa malakas na hanging dinala ng bagyong Odette.