Higit 200 katao sinagip ng QC LGU sa lansangan

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2020 01:11 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Mahigit sa 200 indibidwal na nasagip ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga lansangan ang pansamantalang tumutuloy ngayon sa NS Amoranto covered court.

Sa ilalim ng Oplan Kalinga, sinagip sila sa Barangay Pinyahan at sa Scout area.
 
May mga modular tent na itinayo ang lokal na pamahalaan na kanilang pansamantalang titirahan.

Isinailalim din sila sa pag-profile at papauwiin ang mga taong may mga bahay naman talaga. Ang mga taga ibang lugar naman ay ibibigay sa pangangalaga ng kani-kanilang LGUs.

Ang mga talagang walang mauuwian naman ay bibigyan ng trainings para sa kanilang kabuhayan at ihahanap ng lugar para sa kanilang relocation.

- TeleRadyo 18 Disyembre 2020