Koreana natagpuang patay, tadtad ng saksak sa Angeles

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 12:03 PM

Watch also in iWantTFC

Natagpuan ang naagnas at tadtad ng saksak na katawan ng isang babaeng Korean sa isang condominium unit sa Angeles, Pampanga ngayong Miyerkoles.

Nakabalot ng kumot nang makita sa banyo ang babaeng hinihinalang 10 araw nang patay, ayon sa mga pulis.

Pangunahing suspek ang live-in partner ng biktima na isa ring Korean at naaresto ng pulisya. Hindi anila lumabas ang suspek sa condo unit matapos ang krimen.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay. Nakipag-ugnayan na rin sila sa Korean authorities upang makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa suspek na kinasuhan ng murder at nakakulong sa Angeles City police station.

Nasa 1.5 million na Korean tourists ang dumalaw sa Pilipinas noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism.

Tinatayang 93,000 Korean migrants naman ang nakatira sa Pilipinas, ayon sa isang ulat noong 2017 ng University of the Philippines.

DZMM, Disyembre 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.