PatrolPH

Drug suspect arestado sa buy-bust sa Makati

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2021 06:20 AM

Watch more News on iWantTFC

Timbog ang 1 lalaking nagbenta umano ng hinihinalang shabu sa Makati city.

Ikinasa ng station drug enforcement unit ng lungsod ang buy-bust operation sa Cainito St., Barangay Cembo nitong Lunes.

Nagkakahalaga ng P500 ang hinihinalang shabu ng binili ng operatibang nagpanggap na buyer pero nang kapkapan, nakuhanan pa ang suspek ng pake-pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P62,628 ang halaga.

Maliban sa 11 sachet ng sinasabing ilegal na droga at P500 na buy-bust money, nakuhaan din ang suspek ng 1 cellphone at maliit na orange case.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inarestong lalake.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.