PatrolPH

Magkahiwalay na aksidente sa barrier naitala sa Makati, QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2020 01:12 PM

Watch more on iWantTFC

Dalawang magkahiwalay na aksidente kaugnay sa traffic barrier ang naitala nitong madaling araw ng Lunes sa Makati at Quezon City.

Sa EDSA-Ayala Tunnel, wasak ang harapan ng kotse matapos sumalpok sa mga concrete barrier bago mag-ala-1 ng madaling araw.

Hindi naman nasugatan ang driver na inaming hindi nakita ang mga barrier sa madilim na tunnel.

Magkahiwalay na aksidente sa barrier naitala sa Makati, QC 1
Bumaligtad ang isang kotse matapos sumalpok sa hilera ng mga barrier sa Katipunan Flyover noong Disyembre 14, 2020. Retrato mula sa Metropolitan Manila Development Authority

Sa Katipunan Flyover, bumaligtad naman bandang hatinggabi ang isang itim na kotse matapos sumalpok sa hilera ng mga concrete barrier.

Sa lakas ng pagbangga, humambalang sa isang lane ng flyover ang kotse pero hindi naman nasaktan ang driver.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.