Hulihan sa EDSA 'carpool lane' ipagpapaliban

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 12:31 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Mapapalawig pa ang dry run sa high occupancy vehicle (HOV) lane sa EDSA. Isang linggo lang ang planong dry run ng Metropolitan Manila Development Authority at sa December 18 dapat huhulihin na ang mga sasakyang iisa lang ang sakay na dadaan sa fifth lane ng EDSA. Pero wala munang mangyayaring hulihan dahil hindi talaga siguradong masisipat ng mga camera ng MMDA metrobase kung ilan ang laman ng sasakyan, lalo na kung sobrang dilim ng tint nito. Nagpa-Patrol, Doris Bigornia. TV Patrol, Miyerkoles, 13 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.