Negosyante, natagpuang patay sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 11:18 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto ang isang negosyante sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ang biktima na si Idelmira Quiazon na natagpuang nakahiga sa kanyang kama at bumubula ang bibig.

Lumabas naman sa pagsusuri na sakal ang ikinamatay ng biktima.

Itinuturing person of interest naman ang kanyang nobyo na si Ryan Dayrit na huling nakitang kainuman niya.

Base rin sa imbestigasyon, posibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil wala na ang safety vault ni Quiazon na may lamang pera.

Nilimas rin ang mga suot niyang alahas, maging ang alahas na nakatago sa cabinet. Umagang kay Ganda, 12 December 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.