Aquino, maaaring ipatawag kaugnay ng Dengvaxia

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 03:51 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine, lumabas na premature ang pagbili ng Department of Health dito. Ayon kay dating health secretary Paulyn Ubial, sinubukan niyang pigilan ang implementasyon ng anti-dengue vaccination program. Pero na-pressure siyang ituloy ito. Posible namang ipatawag sa susunod na pagdinig si dating pangulong Aquino para ipaliwanag ang pagbili ng kontrobersyal na bakuna. I-Bandila mo, Vivienne Gulla. - Bandila, Lunes, 11 Disyembre, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.