Presyo ng gulay, manok at isda sa Commonwealth Market nananatiling mataas

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2020 08:26 AM

Watch more on iWantTFC

Nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular sa Commonwealth Market sa Quezon City dalawang linggo bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sumipa na ang presyo ng ilang gulay tulad ng patatas na nasa P140 na kada kilo. Ang carrots naman ay naglalaro sa presyong P110 hanggang P120 kada kilo, ang talong ay nasa P120 hanggang P140 kada kilo, at ang ampalaya ay nasa P200/kilo.

Nananatiling mataas din ang presyo ng kamatis na nasa P100/kilo habang ang sitaw ay nasa P15 hanggang P20 kada tali.

Bumaba naman ang presyo ng kangkong mula sa P20 ay nasa P10 na kada tali ang bentahan nito.

Sa mga bibili naman ng manok, ito ay nasa P160/kilo, ang baboy naglalaro sa P280 hanggang 300 kada kilo ang laman, habang ang baka ay nasa P380/k.

Marami namang isda bilang pamalit sa karne tulad ng bangus na nasa P130 hanggang P190 kada kilo, galunggong ay nasa P240/k, at tilapia P120/K
 
- TeleRadyo 11 Disyembre 2020