PatrolPH

2 bata, patay sa Cebu dahil sa dengue

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2016 01:49 PM | Updated as of Jun 05 2017 11:16 AM

Watch more News on iWantTFC

Dalawang batang lalaki ang pumanaw sa Cebu City Medical Center (CCMC), Sabado dahil sa dengue.

Malubha na ang kondisyon ng mga bata nang madala sila sa ospital, ayon kay CCMC administrator Kenneth Siasar.

Unang namatay ang tatlong taong gulang na pasyente mula sa Barangay Basak, San Nicolas at sinundan siya ng 10 taong gulang na batang mula sa Barangay Basak Pardo, Antuwanga.

Posibleng hindi napansin ng kanilang mga magulang ang early symptoms ng dengue sa dalawang bata, ani Siasar.

Tinataya anyang anim na araw nang nilalagnat ang mga paslit bago sila nadala sa pagamutan.

Batay sa dayos ng Department of Health, umabot na sa 214 ang nasawi dahil sa dengue sa Region 7 mula Enero 1 hanggang Disyembre 3. Mas mataas ito kumpara sa 77 namatay dahil sa dengue sa parehong mga buwan noong 2015.

DZMM TeleRadyo, 11 Disyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.