PatrolPH

Lalaking nagtago ng 4 taon matapos umanong makapatay, tiklo sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2022 07:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Kinailangan pang magbangka ng mga awtoridad sa Guiguinto, Bulacan para lang ma-aresto ang isang akusadong lalaki sa kaso umanong murder.

Ayon sa Guiguinto police, 4 na taon nang wanted ang lalaking akusado sa kaso kasama ang kaniyang kapatid na lalaki dahil sa umano'y pagpatay sa nakainuman noong 2018.

Salaysay ng abugado, self-defense lang umano ang nangyari.

Binubugbog umano ng kaniyang napatay ang kaniyang kapatid matapos ang hindi pagkakaunawaan noong inuman.

Nang makita niya ang sitwasyon ng kapatid, agad na kinuha ang kitchen knife na ginagamit ng mga ito na pantalop sa manggang pulutan.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang kapatid ng akusado.

Nananawagan naman sila na sumuko na ito dahil nasa kamay na nila ang nakatatandang kapatid nito.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.