PatrolPH

Paggawa ng World AIDS Day mural natapos na

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2021 09:25 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Tapos na gawin ang World AIDS Day mural na tinawag na "Pagkakaisa" at handa na rin itong ipakita sa publiko.

Ayon kay Ian Felix Alquiros, executive director ng isa sa mga organizer na Camp Pag-ayo, nasa Ortigas na ang mural para sa PLHIV Summit at sa mga susunod na araw ay maaari na itong makita ng publiko.

Ang mural ay ginawa sa Tondo nitong nakalipas na linggo. Nagtawag ng volunteers para makatulong na bigyan ng kulay ang mural.

Sabi ni Alquiros, may 12 na volunteers ang tumulong sa artist na si Mcgredor Tatad Venturillo. Nilagyan nila ang mural ng colored clay ng Klaypel, na gawa sa recycled materials. 

Layunin ng proyekto na mas mapamulat ang publiko sa isyu ng diskriminasyon at para wakasan na ang inequality, stigma at AIDS.

Dadalhin rin ang mural sa iba't ibang lugar sa bansa sa susunod na taon. Para sa detalye, maaaring tingnan ang social media page ng Camp Pag-ayo at Love Yourself.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.