Mga labi ng alkalde ng Los Baños, Laguna, iniikot sa mga barangay

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2020 02:39 PM

Watch more News on iWantTFC

Nagsagawa ng isang motorcade Martes ng umaga para iikot sa mga barangay ang mga labi ng alkalde ng Los Baños, Laguna na si Caesar Perez.

Marami ang sumama sa motorcade na dumaan sa bawat barangay, at may mga nag-abang rin sa labas ng kanilang mga bahay.

Ang motorcade ay hiling umano ng mga residente ng Los Baños dahil marami ang hindi nakapunta sa burol ng alkalde sa bahay nito.

Karamihan ng mga sumama sa motorcade ay nakasuot ng puti at may bitbit na streamer o placard na humihingi ng hustisya para sa kanilang alkalde.

Ang ikinagagalit ng mga kamag-anak ni Perez ay pinatay na nga ang alkalde, isinama pa ang pangalan nito sa narco-list na mariin nilang pinabulaanan.

Pagkatapos ng motorcade, dadalhin sa munisipyo ang mga labi ng alkalde.

Nauna nang nagsabi ang pamilya na magbibigay ito ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikadarakip ng mga salarin.

Binaril si Perez, 66, gabi ng Disyembre 3 sa loob ng municipal hall compound.

- TeleRadyo 8 Disyembre 2020