PatrolPH

Mga magulang hinikayat pabakunahan ang mga anak edad 5-11 sa ‘Bakunahang Bayan’

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2022 06:34 AM | Updated as of Dec 07 2022 06:39 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA –– Ngayong Miyerkoles ang huling araw ng 3-day special vaccination days o ang "Bakunahang Bayan" ng Department of Health sa Metro Manila at ilang mga probinsya.

Target ng kampanya na ito na mapataas ang vaccination coverage sa pediatric group o mga batang edad 5 hanggang 11 para sa kanilang primary series, habang first booster naman para sa mga 12-taong-gulang pataas.

Itinaon rin talaga ito sa paghahanda sa holiday season at pagpasok ng mga bata sa kanilang face-to-face classes.

Nagpapabakuna laban sa COVID-19 ang isang bata sa Filoil Arena sa San Juan, Lunes. Jire Carreon, ABS-CBN News
Nagpapabakuna laban sa COVID-19 ang isang bata sa Filoil Arena sa San Juan, Lunes. Jire Carreon, ABS-CBN News

Nagpapasalamat naman ang mga magulang at residente ng Marikina City sa inisyatibong ito ng DOH.

Isinasagawa ang bakunahan sa Marikina Sports Center simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Dalhin lamang ang kopya ng birth certificate ng menor de edad, valid ID ng magulang, at vaccination card.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na magpabakuna para maging ligtas ngayong Pasko. 

— Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.