Home > News Matandang puno bumagsak sa dalawang sasakyan sa Cubao ABS-CBN News Posted at Dec 07 2022 06:33 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Hindi nakadaan ang mga sasakyan sa ilang kalsada sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City nitong Martes ng gabi matapos bumagsak ang isang puno ng acacia sa New York, Cubao. Nasapul ang 2 sasakyang dumadaan sa naturang kalsada. Agad namang nakalabas ang mga tao sa loob ng mga sasakyan at walang nasaktan sa insidente. Ayon sa isa sa mga driver ng sasakyan na si Mel Alzate, nagulat sila ng kaniyang asawa sa nangyari. Dagdag pa niya, dumaan sila sa likod ng sasakyan para lang makalabas. "May narinig kami na malalakas na tunog na parang fireworks, tapos after noon, may mga sanga na nagsihulugan na. After noong sanga, 'yung puno na mismo 'yung huminto sa harapan ng sasakyan ko. After a few seconds, may high tension wire naman sa passenger side ko," ani Alzate. 7 anyos na lalaki patay nang magulungan ng truck sa Quezon Kuwento naman ng punong barangay, matanda na ang puno kaya ito bumigay. Natagalan bago masimulang alisin ang nakahambalang na puno at mga sasakyan. Pansamantalang nawalan ng kuryente ang ilang bahay dahil sa pagkukumpuni ng Meralco sa lugar, pero agad namang naibalik ito. Panandalian ding isinara sa mga sasakyan ang EDSA-New York hanggang Annapolis. — Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: E. Rodriguez Quezon City New York Cubao puno