Mga aktibista, nangangambang madamay sa pag-aresto ng mga rebeldeng komunista

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 04:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nangangamba ang mga militanteng grupo na madamay sila sa crackdown laban sa mga rebelde. Ito'y matapos ideklara ng pangulo ang CPP-NPA-NDF na isang teroristang organisasyon. Nagbanta naman ang pangulo ng "mass arrest" sa NDF consultants na pinalaya dahil sa peace talks. Tinutukoy na ng militar ang lokasyon ng mga consultant. Hinihintay na rin nila ang direktiba kung aarestuhin na ang mga ito. I-Bandila mo, Mike Navallo. - Bandila, Miyerkoles, 6 Disyembre, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.