Home > News Bag na iniwan sa gilid ng ATM napagkamalang bomba ABS-CBN News Posted at Dec 06 2022 06:43 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Extortion ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng Manila Police District sa pagiwan ng di pa nakikilalang suspek ng isang bag sa gilid ng ATM ng isang bangko sa Binondo, Maynila kahapon. Una nang nirepondehan ng MPD Explosive Ordnance Disposal unit ang bangko makaraang makatanggap ng tawag na isang kahina hinalang bag ang iniwan doon. Sinasabing naka puting tshirt, itim na sumbrero at maong na pantalon ang suspek. Naka face mask ito kaya hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan at kasarian. Gumamit ang mga rumespondeng operatiba ng water disruptor. Binomba ng tubig ang bag at laman nito. Dito na nakumpirma ng EOD na walang lamang bomba o kahit anong maaaring sumabog ang bag. Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines, pinagmukha lamang na bomba ang laman ng bag na pawang mga kable ng kuryente at card board. Pinayuhan naman ng MPD ang mga establisyimento na maghigpit sa kanilang seguridad upang maiwasang maulit ang mga ganitong mga insidente. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news, teleradyo Read More: binondo bomb scare tagalog news teleradyo