Home > News Babaeng inireklamo ng 200 biktima ng umano'y estafa, tiklo sa QC ABS-CBN News Posted at Dec 06 2022 07:25 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Arestado ang isang 33-anyos na babaeng travel agent matapos maisyuhan ng warrant of arrest dahil sa kasong estafa, sa Quezon City. Ayon sa Anonas Police Station, nasa 200 indibidwal ang nagreklamo laban sa suspek sa pangalang "Clara Therese Basbas", na nagtatrabaho sa isang travel agency sa Quezon City. Ito raw ang kausap ng mga biktima nang magpabook ang mga ito ng flight at magpa-arrange ng domestic at international tour. Pero matapos nilang magbayad, wala itong maibigay na plane ticket at itinerary. P250K halaga ng pekeng yosi nasabat, 3 arestado Itinanggi naman ng suspek na itinatakbo niya ang mga bayad. Nagkaroon daw ng problema ang travel agency na kaniyang pinagtatrabahuhan pero tumangging sabihin ano ito. Dagdag pa niya, siya ang humaharap at nakikipagusap sa mga kliyente kaya siya ang nadidiin sa reklamo. Iimbestigihan pa ng mga pulis ang travel agency at kakasuhan ng estafa kapag napatunayang may kinalaman ito sa krimen. - Ulat Izzy Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: estafa Quezon City Anonas travel agency