PatrolPH

Suspek sa pagnanakaw arestado sa Pandacan, Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2021 08:33 AM

Watch more on iWantTFC

Hinainan ng warrant of arrest ang isang 29 anyos na lalaki na kabilang sa wanted personalities ng Pandacan Police.

Itinuturong suspek sa pagnanakaw sa kanilang lugar si Jeffery Dacayana na Top 10 Most Wanted Person.

Ayon sa pulisya, dati na siyang nagnakaw ng singsing ng kapitbahay bagamat ibinalik din niya ito matapos ipatawag sa barangay.

Suspek din siya sa panloloob ng bahay at pagnanakaw ng appliance, at pwersahang nang-agaw umano ng bisikleta noong Marso. 

Aminado ang suspek sa pagnanakaw lalo’t wala na siya ngayong tanggap sa pagpipintura.

Apat ang binubuhay niyan anak at nagipit lang umano siya.

Haharapin na niya ang kasong robbery na isinampa sa kanya.

ABS-CBN TeleRadyo, Dec. 6, 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.