PatrolPH

Drug suspek arestado sa buy-bust sa Mabalacat

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2021 06:28 AM

Watch more on iWantTFC

Nasabat sa buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga ang humigit kumulang na P714,000 halaga ng hinihinalang shabu kahapon.

Tinatayang nasa 105 grams ng iligal na droga ang nakuha ng mga operatiba na pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit.

Arestado ang isang suspek at nakuha sa kaniya ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu na umano'y binebenta niya.

Nakumpiska rin sa suspek ang P7,000 buy-bust money, isang cell phone, at isang itim na pouch. 

ABS-CBN TeleRadyo, December 6, 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.