PatrolPH

Paniningil sa EDSA Carousel patuloy sa kabila ng 24/7 libreng sakay

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2022 08:50 AM

Watch more on iWantTFC

Nagrereklamo ang ilang mga pasahero sa EDSA carousel dahil kahit ipinapatupad na ang 24/7 bus free ride, naniningil pa rin umano ang ilang mga konduktor ng pamasahe. 

Ayon sa ilang mga komyuter, may ilang konduktor na sinasamantala ang paniningil paglagpas ng alas onse ng gabi. 

Kwento ni Raymond Mendenilla, isang kusinero, yung mga kasamahan niya na pumapasok ng ala una ng madaling araw, sinisingil pa rin sa carousel ng mga konduktor. 

Ganito rin ang naranasan ng senior citizen na si Reynaldo Adan na napipilitan na lang magbayad dahil aniya wala naman silang ibang masasakyan. 

Panawagan naman ng konduktor na si Eddie Trosano sa kanyang mga kasamahan, sana naman ay ‘wag samantalahin ang ating mga kababayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.