PatrolPH

Christmas train nagbalik sa LRT-1 matapos ang 2 taon

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2022 07:17 AM

Watch more on iWantTFC

Matapos mahinto dahil sa pandemya, muling nagbabalik ang Christmas Train sa LRT-1. 

Sinalubong ng LRMC ang holiday season ng kanilang tradisyon tuwing Pasko-ang inaabangan na Christmas Themed Train ng LRT-1. 

Ngayong taon, ‘Music of Christmas’ ang tema ng kanilang Christmas train kung saan mapapakinggan ang iba’t ibang genre ng music gaya ng classical at contemporary. 

Agaw-pansin rin ang mga upuan na ginawa nilang classical piano at retro-theme café feels. Nilagyan naman nila ang mga bintana ng vinyl discs at musical notes.

 

Tuwang-tuwa at nag selfie pa sa loob ng tren ang mga komyuter na ramdam na ramdam ang diwa ng pasko sa loob ng LRT-1! 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.