Home > News Dagdag na guwardiya sa malls mahigpit na magbabantay sa pagpasok ng mga bata ABS-CBN News Posted at Dec 05 2020 04:00 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC Dinagdagan na ng ilang malls sa Metro Manila ang kanilang health protocol officers at mga guwardiya para mahigpit na bantayan ang mga papasok sa mga mall na may kasamang menor de edad. Ayon kay Myron Yao, ang regional operations manager ng Robinson’s Mall, may mga umiikot na guard na kanilang malls para masiguro na ang pupuntahan lamang ng mga menor de edad ay essentials kagaya ng mga dental clinic. Maging ang pamunuan ng Ayala Malls at SM Malls ay sumunod din sa kautusan ng local government units na bawal muna sa mga mall ang mga bata. Tiniyak naman ng mga management ng mall na hindi sila manghuhuli pero patuloy ang kanilang gagawing paalala sa publiko na bawal ang menor de edad sa mall na walang essential na lakad. - TeleRadyo 5 Disyembre 2020 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Mall Health protocols, IATF, Mall protocols on minors, health, COVID-19 pandemic Read More: Mall Health protocols IATF Mall protocols on minors health COVID-19 pandemic