Higit P1.6-M halaga ng shabu nasabat sa Taguig, suspek timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2021 09:01 AM

Watch more on iWantTFC

Timbog ang isang lalaking nagbenta umano ng hinihinalang shabu sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City sa isang buy-bust operation kung saan higit P1.6 milyong halaga ng droga ang nasabat.

Ikinasa ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation Biyernes ng gabi.

Nakumpiska ng awtoridad mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang aabot ng mahigit P1.6M ang halaga ng ilegal na droga.

Nakuha rin sa suspek ang isang gray na sling bag, buy-bust money at boodle money na nagkakahalaga ng P6,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

— TeleRadyo 4 Disyembre 2021