Quiapo Church, magsasagawa ng Simbang Gabi sa Bonifacio Shrine

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2020 10:24 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naghahanda na ang Quiapo Church sa pagsasagawa ng Misa de Gallo pero hindi sa mismong simbahan nito.

Hindi sa simbahan gaganapin ang Simbang Gabi ngayong taon at inaasahan itong gagawin sa may Bonifacio Shrine.

Tanging 300 devotees lang din ang pwedeng pumasok sa Bonifacio Shrine para makilahok sa Misa de Gallo.

Panawagan ng simbahan sa senior citizens at mga batang gusto pa ring makapagsimba na mag online mass na lamang para sa kanilang kaligtasan.

Bukod diyan, hinihimok na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga lokal na pamahalaan na mag-organisa ng 9-araw na novena Mass sa mga malalaking lugar para ma-accommodate ang mas maraming tao.

Samantala, dinagsa naman ng mga deboto ang Quiapo Church para mapag-misa sa First Friday ng Disyembre.

May pila na ng mga deboto sa labas ng simbahan at naghihintay na makapasok sa loob. Dahil sa physical distancing, tanging 300 katao lamang ang pinapapasok sa loob ng simbahan.

Bukod sa physical distancing, kailangang din na nakasuot ng face mask at face shield ang mga deboto. Bawal pa rin ang mga batang pumunta sa simbahan.

- TeleRadyo 4 Disyembre 2020