Tisoy, nanalasa sa Bicol at Eastern Visayas

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 09:07 AM | Updated as of Dec 04 2019 09:40 AM

Watch also in iWantTFC

Nag-iwan ng matinding pinsala ang bagyong Tisoy sa Sorsogon, kung saan nagbagsakan ang mga puno at natuklap ang mga yero ng mga gusali.

Pati Christmas tree, pinadapa ng bagyo. Bagsak din ang linya ng komunikasyon sa Camarines Sur at iba pang parte ng Bicol.

Bago nanalasa sa Bicol, humagupit din ang bagyong Tisoy sa Eastern Visayas lalo na sa Northern Samar. Gumuho ang lupa sa bahagi ng Barangay Cabatuan sa bayan ng Palapag, kaya hindi mapasok ng sasakyan ang ilang bayan.

Umagang Kay Ganda, December 3, 2019