PatrolPH

Quarantine bureau kailangan ng dagdag na tauhan bago mag-Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2021 09:40 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Humihingi ang Bureau of Quarantine ng dagdag na tauhan para bantayan ang mga papasok ng bansa ngayong Pasko sa kabila ng banta ng Omicron COVID-19 variant.

Ayon kay Dr. Neptali Labasan, senior quarantine officer ng BOQ, mas magiging malawak ang kanilang pagmo-monitor sa darating sa bansa.

"Medyo 'yung personnel namin ay kulang. Parati po nating nirerequest po sa kanila sana naman ay dagdagan," aniya sa panayam sa TeleRadyo Biyernes.

"'Pag may tinamaan po sa hanay po natin, hindi pupuwedeng mapilit na pumasok 'yun dahil talagang naka-quarantine po sila. Wala hong papalit sa kanila."

Sinabi ni Labasan na nakararanas na ng fatigue ang mga tauhan sa BOQ dahil magda-dalawang taon na itong nakabantay sa mga port at airport laban sa COVID-19. Ito'y kahit aniya tinutulungan na sila ng ibang ahensiya.

Dahil sa banta ng Omicron variant, nasa 64 katao ang binabantayan ng BOQ na galing sa red-list countries.

"So far, wala pang nagpapakita ng sintomas ng COVID sa kanila," ani Labasan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.