Home > News Delivery van sumalpok sa concrete barriers sa EDSA-Timog ABS-CBN News Posted at Dec 03 2021 08:13 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Nagdulot ng matinding traffic sa bahagi ng EDSA-Timog sa Quezon City ang naganap na aksidente na kinasangkutan ng isang delivery van, Biyernes ng madaling araw. Inararo ng van ang walong concrete barrier sa may EDSA Busway sa baba ng Kamuning Flyover. Ayon sa driver ng van, galing sila ng Batangas at magdedeliver sana ng mga manok sa Pampanga nang makaidlip siya sa gitna ng biyahe bago mag alas-5 kaninang madaling araw. Giit ng driver, hindi naman mabilis ang kaniyang takbo pero sa lakas ng pagkakabangga nasira ang concrete barriers at nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan. Natanggal din ang mga gulong nito. Nagtamo naman ng minor injuries sa katawan at binti ang driver at pahinante ng van. Pasado alas-6 ng umaga nang maialis sa lugar ang nakahambalang van. Inaantabayanan na rin ang isa pang van para mailipat ang lahat ng mga manok doon. - TeleRadyo 3 Disyembre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Delivery van accident, Aksidente sa EDSA, EDSA vehicular accident, concrete barriers, EDSA, TeleRadyo Read More: Delivery van accident Aksidente sa EDSA EDSA vehicular accident concrete barriers EDSA TeleRadyo