Presyo ng karne sa Commonwealth Market, stable pa sa ngayon

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2021 10:37 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Stable pa rin ang presyo ng karne sa Commonwealth Market sa Quezon City kahit papalapit na ang Pasko.

Sa ngayon, ang liempo ay nasa P330 kada kilo; lamang baboy, P290 kada kilo; at P250/k naman para sa ribs.

Ayon sa mga nagtitinda, hindi porket hindi tumataas ang presyo ng karne ay hindi na tumataas ang puhunan nila. Sa katunayan ay sumipa na sa P270 ang sabit ulo na kinukuha nila sa kanilang supplier.

Sa ngayon anila ay hindi pa tinataasan ang presyo pero pag lalong tumaas ang puhunan asahan na pwedeng sumipa ng hanggang P400 kada kilong baboy bago matapos ang taon.

Tumaas na rin ang presyo ng ilang isda tulad ng mga sumusunod:

  • Bangus P180/k 
  • Tilapia P110/k
Galunggong P240-P260 (fresh), P220/k (frozen), P180/k (maliliit)
  • Pusit P170/k

Para sa presyo ng mga gulay, ang carrots nasa P90/k, repolyo P80/k, petchay baguio P80/k, baguio beans P70/k, sayote P30/k, at talong at ampalaya naglalaro sa P50 hanggang P60 kada kilo.

 - TeleRadyo 2 Disyembre 2021