PatrolPH

Panukalang pagpapalawak sa sakop ng statutory rape pasado sa Kamara

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2020 09:43 PM | Updated as of Dec 02 2020 09:44 PM

Watch more on iWantTFC


Pasado na sa Kamara ang panukalang batas na nagtataas ng sakop ng statutory rape o panggagahasa sa isang bata. Mula sa kasalukuyang 12 anyos pababa, maituturing na ring statutory rape ang krimen kapag ginahasa ang 16 anyos o mas bata pa. Sa panukalang batas na may bersiyon din sa Senado, kahit batang lalaki puwede na ring maghain ng kaso ng panggagahasa. Nagpa-Patrol, Sherrie Ann Torres, TV Patrol, Miyerkoles, 02 Disyembre 2020. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.