PatrolPH

SUV bumangga sa concrete barriers malapit sa Manila City Hall

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2022 08:17 AM

Watch more on iWantTFC

Matinding traffic ang dinulot sa north bound lane nitong Padre Burgos Avenue papuntang Quiapo dahil sa bumanggang SUV sa mga concrete barriers.

Ayon sa mga rumespondeng awtoridad, lasing ang driver kaya sumalpok ang kanyang minamanehong SUV sa 3 concrete barriers.

Ligtas naman ang driver at nagtamo lang ng kaunting galos.

Kasalukuyang tinotow na ang sasakyan ng driver. Dinala na din siya sa opisina ng Manila Traffic Bureau. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.