PatrolPH

Higit 30 pamilya nasunugan ng bahay sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2022 07:23 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Sakuna ang sumalubong sa mga residente ng isang compound sa Sampaloc, Maynila ngayong Disyembre matapos sumiklab ang sunog dito nitong Miyerkoles.

Mag aalas 10 ng gabi ng balutin ng makapal na usok ang isang tindahan. Kanya-kanya nang takbuhan ang mga residente.

Tinupok ang kanilang mga kabahayan at umabot pa sa 2nd alarm ang sunog bago ito naapula.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.

Mabilis umano kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Nakatakda magpaabot ng mga paunang tulong ang Barangay 450 para sa mga nasunugan.

Sa kalsada nag-evacuate ang mga nasunugan para bantayan daw ang kanilang mga kabahayan naabo sa sunog.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.