Home > News 24/7 na libreng sakay sa EDSA Carousel bus arangkada na ABS-CBN News Posted at Dec 01 2022 07:24 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Aarangkada na ngayong Huwebes ang magdamagang libreng sakay sa EDSA Carousel bus . Para sa mga regular na sumasakay ng EDSA Carousel bus, malaking tipid ang magdamagan nang libreng sakay simula ngayong Huwebes. Ang mga may trabaho sa call center ang karamihan sa mga natuwa sa ipapatupad na libreng sakay sa buong buwan ng Disyembre. Bagama't nagsimula na ito ngayong Huwebes, ang mga bumiyahe simula kanilang alas 11 ng hating gabi nitong Miyerkoles hanggang alas 4 ng umaga kanina, naningil pa ng bayad. Ito ang mga bus na tinatawag na may fare box o mga namamasada simula alas 11 ng gabi hanggang madaling araw na may bayad na. Tamang pasahod ipinanawagan bago gawing magdamag ang libreng EDSA Bus Carousel Ang totoong libreng sakay kasi ay simula alas 4 ng umaga hanggang alas 11 lang ng gabi. Ayon sa mga driver ng bus na may fare box, hindi naman sila maaapektuhan ng libreng sakay na ito. Mas maganda nga raw ito dahil marami ang matutulungan nito lalo na ang mga namamasukan ng hating gabi kagaya ng mga call center agents. Dahil hanggang katapusan lang ito ng Disyembre, umaasa ang mga commuters na ma-extend pa ang programa.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: EDSA Carousel bus libreng sakay