Huling araw ng National Vaccination Days pinilihan sa Gat Andres Hospital sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 08:54 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Marami ang pumipila ngayon sa labas ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila para sa huling araw ng 3-day National Vaccination Drive.

Karamihan sa mga pumipila ngayong Miyerkoles ay ang mga unang beses pa lang magpapabakuna ng COVID-19 vaccine. Meron din mga gustong magpa booster shot.

Ang Gat Andres Bonifacio at iba pang district hospital ay nakatalaga bilang vaccination site para sa priority group A1 hanggang A5 at pwede rin ang menor de edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ang lungsod ng Maynila ay nakapagbakuna na ng higit 54,000 sa unang dalawang araw ng National Vaccination Days. Higit 14,000 rito ay ang mga nagpabooster shot na karamihan ay Pfizer ang ginamit. Doble o triple ang dami ng nagpabakuna kumpara sa mga nakaraang linggo.

Nasa 6,000 hanggang 10,000 ang mga nagpapabakuna nitong mga nakalipas na linggo pero ngayong National Vaccination Days umabot sa 26,0000 hanggang 27,000 kada araw ang nagpabakuna.

Inaasahan naman na ngayong huling araw ay marami pa rin ang magpapaturok ng COVID-19 vaccine. 

Pwede rin ang walk in sa bakunahan sa Maynila basta nagregister lang online para makakuha ng QR Code.

Sa mga minors, kailangang magdala ng birth certificate o kahit anong valid ID.

- TeleRadyo 1 Disyembre 2021