PatrolPH

2 drug suspek arestado sa buy-bust sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 07:35 AM

Watch more on iWantTFC

Timbog ang dalawang lalaki na nagbenta umano ng hinihinalang shabu sa Tondo, Maynila.

Ikinasa ng Manila Police District Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa harap ng isang bahay sa Capulong Street.

Doon nakipagkita ang dalawang suspek na edad 28 at 43 anyos. Pareho silang residente sa Tondo.

Ayon sa mga pulis, tulak ng droga sa lugar ang mga drug suspek.

Limandaang pisong halaga ng hinihinalang shabu ang binili ng nagpanggap na buyer pero nang kapkapan, nakuhanan pa sila ng pake-pakete ng hinihinalang shabu na higit P10,000 ang halaga.

Parehong kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.