Home > News Road obstructions, nagdudulot ng trapiko sa pangunahing kalsada sa QC ABS-CBN News Posted at Dec 01 2020 09:22 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC MAYNILA - Nakiusap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga opisyal ng barangay sa Quezon City na tiyaking wala nang road obstructions na makakabalik sa mga lugar na kanila nang unang na-clear. Ayon kay MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija, hindi na lingid aniya sa kanilang kaalaman na isang araw matapos ng kanilang paglilinis, magsisibalikan ang mga road obstruction sa kalsada. “Nakikiusap kami sa barangay na pag nalinis na namin, i-maintain na nila. Di namin kayang balikan araw-araw. Ang laki ng Metro Manila para linisin lang ng MMDA,” sabi ni Nebrija sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga. Kaliwa’t kanang road obstruction pa rin ang nakahambalang sa pangunahing kalsada sa Quezon City. Sa NIA Road na daanan ng city buses, hilera ng mga sasakyan ang nakaparada sa harap ng mga opisina sa lugar. Ito ay kahit na may nakapaskil na na “no parking” sign. Mga tolda, karinderya at kariton at pedicab sa outer lane ng BIR Road ang nagpapasikip sa kalsada. Maging sa Agham Road hindi pa rin malinis ang lugar mula sa obstruction. Mga pribadong sasakyan at maging tow trucks ang nakaparada sa outermost lane ng kalsada. Dahil sa nakaparadang mga sasakyan, ang mga city bus na magsasakay ng mga pasahero ay nasa second lane na ng kalsada. Sinisita na ng Department of Public Order and Safety ang mga motoristang nakaparada sa pangunahing kalsada. Meron na rin mga tauhan ng Quezon City Traffic para mandohan ang daloy ng trapiko sa Agham Road. TeleRadyo 1 Disyembre 2020 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn MMDA, Road Obstruction, Quezon City, illegal parking, TeleRadyo, Bong Nebrija Read More: MMDA Road Obstruction Quezon City illegal parking TeleRadyo Bong Nebrija