PatrolPH

Bilang ng leptospirosis patients sa NKTI tumaas pa

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 08:33 AM | Updated as of Dec 01 2020 12:07 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Tumaas sa 78 ang bilang ng leptospirosis patients sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City nitong Martes.

Pinaalalahanan ni Dr. Rose Marie Liquete na bumisita agad ng clinic ang mga pasyente upang kumuha ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 hanggang 72 oras.

Kung hindi maagapan ang sakit ay maaaring magdala ito ng acute kidney o liver failure at maging respiratory failure.

"Pag nakababad sila sa maruming tubig, kailangan magkaroon na sila ng prophylaxis agad," aniya.

"Sa ngayon di pa rin nalilinis ang mga basura, kakalat na naman. Environmental ang importanteng prevention."

Narito ang mga sintomas ng leptospirosis:
• Mataas na lagnat
• Pananakit ng ulo
• Panginginig (chills)
• Muscle pain
• Pagsusuka
• Paninilaw ng balat at mata
• Pamumula ng mata
• Pagtatae
• Rashes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.