Duterte, 'malakas pa sa kalabaw' - Palasyo

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2016 08:59 AM

Watch also in iWantTFC

Pinawi ng Malacañang Huwebes ang agam-agam ng ilan ukol sa kalusugan ni Pangulong Duterte sa harap ng mga balitang nahimatay ito papunta sa isang pulong kamakailan.

"Fresh na fresh po ang kanyang itsura. Ibig sabihin po ay mas malakas pa sa kalabaw ang ating Pangulo. At kaya niya pong bumiyahe, by chopper, helicopter, land, lahat ng dako at sulok ng Pilipinas," giit ni Communications Secretary Martin Andanar sa panayam ng DZMM.

"Kaya huwag po kayong mag-alala. Ang atin pong Pangulo ay healthy and very capable to run his office," dagdag ng opisyal.
 
Ani Andanar, hihingi siya ng permiso sa Pangulo upang maisapubliko ang medical report nito.

DZMM TeleRadyo, 1 Disyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.