Bgy captain, 3 kaanak patay sa ambush sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2016 12:22 PM

Watch also in iWantTFC

Apat ang patay makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang sarilin sa Santa Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang mga nasawing sina Barangay Banzal Captain Cecilio Aban, kanyang anak at dalawa pang kamag-anak.
 
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen dahil wala naman anilang naikukwento si Aban na nakaalitan niya.

Pinag-aaralan rin ng mga pulis kung may koneksyon sa droga ang pamamaril.

Umagang Kay Ganda, 30 Nobyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.